United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Matanto nang Pari ay pinaluhod na ang taong kukunin niyong palamara saka sinubuan nang mahal na Hostia galit nang Demonio'y sabihin pa bagá. Di ganiyan aniya ang ating usapan nang namamangka kang nasa karagatan kundi ang kita ay payamanin lamang at ikaw ay akin sa taning kong araw.

May isang sasakyang minsa'y naglalayag sa baybayin niyong malalim na dagat kapitá'y tutoong malaki ang sindak doon sa nasapit nilang pagkabagbag. Demonio'y makita ang ganoong ayos sa kaniyang puno'y nuhang pahintulot at ang tutuksuhin nang taksil na loob ay yaong kapitáng doo'y naguutos.

At yaong usapang araw kung dumating na sa Demonio nang siya'y kukunin huwag magpabayang di siya tawagin at ang buong kaya'y kanyang gagawin. Madlang kabilina'y ginanap na pawa nitong sa Demonio'y humandog na kusa nang dumating yaong araw na tadhana Paring magtatanggol ay tinawag nan~ga.

Ang sagot nang Pari ay lumayas ka na Satanas at siya'y di mo makukuha kasulatang iyan ay walang halaga punitin mo't huwag ditong magbalik pa. Wika nang Demonio'y ibigay sa akin ang pitakang iya't martilio'y gayon din at saka ang pako't aking pupunitin itong kasulatang kasunduan namin.

Marinero n~gang Demonio'y paglapit kapitán aniya'y ano po ang ibig sagot ay itali sa kahoy ang lubid nang tayo ay huwag malayo sa gilid. Lubid ay kinuha't ang pinatun~guhan ay lugar na walang sukat pagtalian saka wiwikain doon sa kapitán dito'y walang kahoy na mapaggapusan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap