United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na ang aking kaluluwa at katawan ay naging kapalit ang pitakang iyan ang taning ay hustong isang taón lamang ako'y kukunin na na di maliliban. At sa katunaya'y may kasulatan pa na ginawa't ako naman ay nagfirma kaya ang taning ay iisang buwan na at pilit na maghihiwalay kita.
Sulat nang mayari ay pinirmahan na saka iniabot ang isang pitaka isang pako't isang martilyo't ang wika'y ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa. Ang pitakang ito'y ang iyong gagawin ilapat sa isang haligi ó dingding saka mo pakuan at iyong dukutin at madudukot mo ang yamang ibigin.
N~guni't ang asawa ay di mapaghaka ang pitakang yaon kung saan nagmula kaya pinipilit na inuusisa sapagka't ang han~gad niya'y maunawa. Hindi ipagtapat naman nang lalaki at ang kahihiyan ay nananatili hindi matiwasay sa araw at gabi ang kahihinatna'y naguguniguni.
Salita Ng Araw