United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagkakahiyaan noong una datapuwa't ilang saglit lamang ay nagiba na ang kanilang damdamin: waring naguusap ng kusa ng tapatan. Nawala ang mga sandaling kanilang kanina ay pinapaghaharing katahimikan. Waring nangapipi ng hindi naman. Ang naghahari sa kanilang puso ay ang pagirog, ang pagibig na malinis. Magkapiling ngayon ang kanilang mga damdamin na waring mga dati'y nabilanggo.

Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya n~gayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin n~g kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastan~gan sa akin?

Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai. Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan.

Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa luwalhati....

Sa dati'y "mapagkatakata", mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin, ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta. "Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't ginawang "makata" buhat sa "makatha" na kawangis ng "mapagkatakata" , at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na salitang tumpak.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap