United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Di na natahimic yaong calooban at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay, dahil cay Clotildeng baca di macamtan sa pagca at siya ay hindi binyagan. Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis nang man~ga balita na embajadores, parang namamalas sa caniyang titig yaong cay Clotildeng cagandahang labis.

Na di iba't yaong Infanta Clotilde na ang ganda't hinhin ay cauili-uili, ualang capintasang sucat pang masabi ang hirang na dilag sa pagca-babae. Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw sa palacio niyong embajadang tanan, ay hindi mangyari nilang pagsauaan ang sa cay Clotildeng tan~ging carikitan.

Yaong camahalan nang canilang ayos maguing pan~gun~gusap at sa man~ga kilos, anopa't cung ating man~ga-papanood bulaan ang hindi maganyac ang loob. Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid nabihag ang pusò nang Haring si Clovis, doon cay Clotildeng balita nang dikit namahay sa pusò ang laking pag-ibig.

At bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'y di nag-cacaisa, ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na ay ang cagalin~gan niyong caluloua. Siya'y di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang marin~gal. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang man~ga cagayacan.

Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad ay cagalin~gan mo cung caya co han~gad, n~guni't cung sa iyo ay minamabigat tungculin co lamang na ipatalastas, Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha nang lahat nang bagay maguing lan~git lupa siya'y tumigil na't di na nagsalita at ang usap nila'y napayapang cusa.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap