Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 12, 2025
¡Huwag! umalis na tayo rito, tayo'y mapapahamac! ang biglang sinabi. Lumacad ca cung ibig mo, acó'y tátanggap. ¡Bruno! Sa cawaláng palad ay lumapit ang isang táo at sa canilá'y nagsabi: ¿Pupusta ba cayó? Aco'y sa búlik. Hindi sumagot ang dalawáng magcapatid. ¡Logro! ¿Gaano? ang tanóng ni Bruno. Binilang ang canyang m~ga aapating pisong guinto: tinititigan siya ni Brunong hindi humihin~ga.
¿Nalalaman mo ba cung anó ang sumusunod na soltada? ¿Carapatdapat ba ang?... ¡Bakit hindi! ¿hindi mo ba naririn~gig? Ang búlik ni capitang Basilio ang mapapalaban sa lásak ni capitang Tiago; ayon sa lacad n~g "regla" n~g sabong ay dápat manalo ang lásak. ¡Ah, ang lasak! acó ma'y pupusta rin ... datapwa't lumagáy muna tayo sa matibay na calagayan.
Tingnan namán natin n~gayon ang bulík, ang sabi n~g tinig na tila sinasacal. Tinatadyacan ni Bruno ang lupa, pinapagn~gan~galitn~git ang canyang m~ga n~gipin, n~guni't sumusunod din sa capatid niya. Lumapit sila sa cabilang pulutong. Diya'y sinasandatahan ang manóc, humihirang n~g tári, inihahanda n~g mananari ang sutlang mapula, na pinagkitan at macailang hinagod.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap