United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya Leoning ko, inaasahan kong sa mga labi mo ay buhat ngayon ay maririnig kong bibigkasin mo kung ako'y tatawagin ang ngalan Eduardo ay dagdagan mo sanang lagi ng salitang "ko" na: Eduardo ko. Eduardo ko? Ang ganyang ay laon kong sa puso ay lihim na siyang, tinatawag sa pagiisa. Leoning, diyata, kay sarap mo nga palang magmahal. Oo, Eduardo ko, malaon na. Na di na kaya magbabago?
Sa gayon, si Leoning ay nagkaroon ng awa at tila ganap na nahabag sa anyong kanyang namalas kay Eduardo. Naawa siya. Nguni't ang kasagutang bibigkasin ay parang nabitin sa kanyang labi. Pinagaalinlanganan niya ang pagbigkas sa matamis na salitang "OO" para sa isang Eduardo, kaya't pinigil pa rin niya at di binitawan.