United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua iba ang gagauin pagca malaqui ang saquit nang bubulutun~gin. Sapagca cun ang lagnat ay malaqui, at matigas ang pulso, at masaquit na totoo ang ulo, pati nang bay-auang, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit sa camay.

N~guni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at bucod doo,i, malaqui ang saquit nang ulo,t, bay-auang, at ang tiyan ay nauunat, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman arao-arao nang macaitlo, ó macaapat nang bilin sa número 6, ó cun uala yao,i, na-aari ang gatas na tinubigan.

Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang man~ga cordial, triaca, castor, ruda, at macacasama bagcus doon. Ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para nang dati.

Cun hindi nananabing macadalaua arao-arao ang maysaquit, ay cailan~gang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa número 5; at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, ó cun mapula ang ihi, ó cun tila naghuhunghang ang maysaquit, ó cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,t, bay-auang, ó cun ibig sumucang parati.

Nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i, sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapan~ganib ang maysaquit.

Salita Ng Araw

makapagpapasariwa

Ang iba ay Naghahanap