United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dili ang uica co naman na aco'i, iyong abangán, at hindi macalilitao singsing cun aquing tangan. Tingni itong guinaua mo ang oras na'i, á las cuatro, maca mamalayan tayo nang bunying haring amá co. Cun caniyang maalaman lahat nating cagagauán, aco nga at sampong icao caniyang papupugutan. Cundangan ang alang-alang dalá niyaring caibigán, quita ay pinahayaang maguing bató ang catauán.
Huag cang matulog naman at aco'i, iyong abangan, cunin mo sa aquing camáy ang singsing cong ililitao. Tinadtad na ngani niya itong si doña María, sa tubig inihulog na naguing isang isda siya. Sa calaunang di hamac sa ilalim ay paghanap, ay nacatulog na agad itong príncipeng marilag. Nang ang singsing ay macuha naguing tauo ang princesa, daliri'i, inalitao na si don Juan ang cucuha.