United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang bauang at triaca , at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili ó as-is ó tibig , na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis.

Gamot sa quinagat nang olupihan, ó olahipan, na ang pan~galan nang castila doo,i, ciento piés. Nang maualang madali nang pagsaquit ang lugar na quinagtan nang olupihan, ay loloopin nang tatal nang molauin na sinunog; saca tapalan nang chile at bauang na binayo. Maigui ring tapalan nang dahon nang tabacong mura, na binayo rin.

Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.

Bunutin muna ó sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang, ó sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao ; ó tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at pulot ; bañosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco; houag pacanin nang marami cun gab-i; painumin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao . Ang lana ó lan~gis nang niyog ó ang lan~gis sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit.

Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay lahiran nang lan~gis na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang lan~gis hangan sa siya,i, sumuca. Cun ualang buto nang mostaza , ang dahon ay na-aari.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap