United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nang mauala itong pamamaga, ó cahinaan nang casangcapang nasactan, ay cucuscusin touing umaga at touing hapon nang isang basahang tuyo; lalacad ang maysaquit at susundin niya ang lahat na bilin sa capítulo 5, tungcol sa maysaquit na gungmagaling-galing na. Mayroong namang binabalingtamad na tauo na hindi marugo, may sarisaring calahoc lamang, ó malapot caya ang dugo noon.

Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.

Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap; pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi, at nauuhao ang maysaquit.

Cun guinagamot nang husay ang maysaquit sa loob nang man~ga labing apat na arao gungmagaling-galing na siya, at cun ibig niyang cumain, sundin ang bilin sa capítulo 5; datapoua,t, cun mapait ang bibig, cun mabigat ang ulo, at nananab-ang nang pagcain, cailan~gan siyang purgahin nang bilin sa número 11.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap