United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bihirang-bihira ang dinadatnang bigla nang calubhaan nang saquit na ito; cun caya binibigla cun minsan nang calubhaan, sa pagca pinabayaan di pansin ang man~ga unang sumpong nang saquit.
Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.
Marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa pos-on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, ó nang galapong man lamang, na mainit-init cun itapal; at cun uala nito,i, lag-yan ang pos-on nang man~ga basahan babad sa tubig na mainit.