United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maigui ring ipan~guya sa maysaquit ang isang san~ga nang macabuhay na mapait hangang malasahan niya ang pait. Ang pinan~gan~ganlang agua de luz , ay yaon ang mabagsic sa lahat na gamot.
Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.
Ang agua de luz cailan~gang bilhin sa, botica. Bucod doon sa man~ga bagay na sinabi co n~gayon na magaling igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa maysaquit nang madaling gumaling. Caya pagca yari na yaong man~ga bilin sa párrafo 146, 147, 148, mabuting painumin ang maysaquit nang tubig na may gata nang dayap ó nang tubig na sinucaan.
Salita Ng Araw