United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod dito,i, lalahiran nang mantica ang loob nang caniyang punong catauan. Doroonan naman sa ibabao n~g tiyan nang man~ga basahang babad sa mainit na tubig, na ito,i, totoong buti rin. Ang man~ga itinuturo co n~gayon na pauang ualang liuag, ay hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at maraming totoong babayi ang nacacapan~ganac na maigui capag sinusunod nila yaon.
Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz , na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz . Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz , at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang agua de luz.
N~guni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay hindi cailan~gan ang sumpit at ang purga. Masama naman pacanin nang marami. Datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. Ang m~ga n~gidn~gid ay lalahiran nang macaitlo ó macaapat arao-arao nang pulot puquiotan.
Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang aso, lalahiran nang lan~gis ó lana man, at babalutin nang basahang babad din sa lan~gis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa número 35.
Salita Ng Araw