United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa catauan ay quinacalag; pina-aamoy nang ruda, sambong romero, ó yerba buena; pinalolon-oc nang ilang capatac nang aguardiente, ó alac na linahucan nang caunting tubig . Ang alac sa misa na sinamahan nang azúcar at canela, cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag-yan naman sa sicmura nang isang damit na babad sa alac sa misa na pinaglagaan nang romero, ó sambong, ó sa ibang damong maban~go.

Datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailan~gan sumpitin ang maysaquit arao-arao n~g maquiilan nang bilin sa número 5, ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang bituca nang baca ó manoc. Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa gatas ; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó bulaclac nang alagao ay mabuti rin.

Susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco na may caonting gatas; paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang bilin sa número 2; lalag-yan naman nang man~ga basahang babad sa tubig na mainit-init sa liig, sa dibdib at sa tiyan.

Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g bulac na babad sa gata nang niyog. Ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay . Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit.

Macalaua, ó macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5. Saca babañusan sa tubig na malacuco hangan tuhod cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,i, ibabad pati nang caniyang camay. Sa dibdib at sa tiyang ay lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malacuco rin. Ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay ang bilin sa número 7.

Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan n~g damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang maysaquit ay magaling-galing sa man~ga unang arao nang masangrahan.

Saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na lienzong babad sa lana, ó lan~gis na bago nang niyog, bigquisan mo nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa isang arao at isang gab-i.

Marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa pos-on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, ó nang galapong man lamang, na mainit-init cun itapal; at cun uala nito,i, lag-yan ang pos-on nang man~ga basahan babad sa tubig na mainit.

Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang man~ga cordial, triaca, castor, ruda, at macacasama bagcus doon. Ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para nang dati.

Cun minsan ang man~ga tabi nang sugat ay totoong tigas na cailan~gang hiuain muna, bago gamutin; datapoua cun hindi matigas ang man~ga tabi nang sugat ay tapalan pagdaca nang bilin sa número 69, at sa ibabao lag-yan nang ilang lienzong babad sa turo sa número 70 na macaitlong papaltan touing arao; at sa número 69 ay macalaua lamang.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap