United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g bulac na babad sa gata nang niyog. Ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay . Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit.

Ang dalauang dacot na culutan didicdiquin nang sumandaling oras calauon bago ilaga sa isang tagayang tubig; pagca laga,i, sasalain at sasamahan ang tubig nang timbang pisong pulot. Nota. Mayroong tauo na hindi manabi, sumpitin man nang may culutan, cundi sumpitin nang tubig na malacuco lamang. Masama namang isumpit sa tauo ang mainit, cundi malacuco cailan man ang isusumpit doon. Nota.

Ang jarabe nang suca, pagcaraca,i, linalag-yan na nang azúcar. Itong man~ga pagluluto nang m~ga maasim, ay hindi sucat gauin cundi sa palioc, at masama roon ang bacal at tangso. Nota. Cun ang maysaquit ay malubha at hindi na magaua ang jarabe, ay ilaga mo, ó isama mo sa mainit na tubig yaong gagauing jarabe, sampon nang azúcar ó pulot, at yaon ang aariin mo munang parang jarabe.

Ang timbang cahati nang hojas de sen, at ang timbang saicaualong nitro ó salitre, ibabad mo sa dalauang tazang tubig na mainit na pinaglagaan nang culutan, at pag malamig lamig na ang tubig, ay salain. Cun ualang hojas de sen, ay na-aari ang dahong tuyo nang acapulco, timbang cahati. Ang acapulco cundi ilaga,i, mahina ang cabagsican.

Caya doon sa dalauang tazang tubig nang culutan ilaga mo ang acapulco hangan sa maiga ang isang taza sa mahinang mahinang apoy; saca ihulog ang salitre, at salain. Ang isang caracot na bulaclac nang alagao at ang calahating dacot na yerbabuena ay ihulog mo sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; at pagca malamig lamig na,i, sasalain mo, at sasamahan nang timbang tatlong pisong pulot.

Ang isang gamot naman, na totoong galing sa galis, ay gayon: Ang timbang apat na pisong dahon at san~ga nang damong pinan~gan~ganlang sangdicquit ay ilaga mo nang isang oras calauon sa apat na botella at calahating tubig, sampon nang timbang apat na piso rin dahon nang culutan, at siya ang ibabasa mong mainit-init sa galis, na macalaua maghapon, pag pinurga muna ang maysaquit, at sa loob nang ilang arao ay mauauala ang galis.