United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagca gayon ay cailan~gang ampatin ang dugo, para nang sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito. Babañusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa man~ga dinaraanan nang dugo, at palibhasa,i, lungmolouag ay malaquing lugar ang mapapaaronan n~g dugo sa paa at sa camay.

Arao-arao babañusan hangan tuhod ang maysaquit nang calahating oras calauon sa tubig na malacuco, at saca cucumutang maigui. Touing icalauang oras iinumin niya ang bilin sa número 8, na siya ang totoong magaling na gamot. Sisipsipin niya ang singao nang tubig na mainit para nang turo sa número 53.

Macalaua, ó macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5. Saca babañusan sa tubig na malacuco hangan tuhod cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,i, ibabad pati nang caniyang camay. Sa dibdib at sa tiyang ay lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malacuco rin. Ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay ang bilin sa número 7.

Cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang man~ga paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang baca, ó cambing, ó calabao.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap