United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan naman ang man~ga suso, ay yaon ang sinisibulan, sapagca ang gatas ay napapataha,t, ga natutulog doon; at cun hindi gamutin pagcaraca itong ganitong man~ga pamamaga nang suso, ang sibol ay tungmitigas na cun malauon naguiguing cáncro, na sa lahat na saquit yaon ang lalong masama,t, mahirap.

Cun minsan namamaga ang isang labi nang bibig at ang ilong. Itong man~ga bucol na pinan~gan~ganlang bicat, ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon sa quinadoroonan, sapagca cun ugain n~g daliri ay ga sungmusunod. Cun ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda ay malauon bago mauala ang bicat.

Mayroong isa pang pamamaga nang catauan, na hungmahalili sa lagnat na pan~giqui na lauon; at ang bagay doon ay yaon ding man~ga sinabi co sa párrafo 345 at sa 346. Cun ang paa lamang ang namamaga susundin ang man~ga turo sa párrafo 352 at 353. Nota. Binabasa nang lan~gis ang camay, at linalahiran nang malauon lauon ang boong catauan nang maysaquit, na yao,i, gagauing macalaua ó macaitlo arao-arao.

Saca cuscusing palibot ang man~ga tabi nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang timbang saicapat nang ungüentong tinuran co can~gina, na bilin sa número 28; at ito,i, gagauing minsan arao-arao. Ang sugat ay gagamutin at babahauin para nang ibang man~ga sugat; datapoua maigui ring pabayaan munang magnacnac nang malauon.

Ang sampaloc número 47 ay houag palaloin sa timbang dalauang piso, cundi maliuag mapurga ang maysaquit. Ang extracto nang talampunay na bilin sa número 57 ay sucat na ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin siya nang marami rami noon.

Cun minsan naman mayroon siyang nararamdamang matigas sa dacong puson, na ungmaaquiat cun malauon lauon sa itaas sa sicmura; na dahil doo,i, sungmusuca siya cun minsan.

Cun hindi rin pungmapasoc ang bituca, ay sumpitin nang malauon ang maysaquit nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457, at siya ang lalong matapang na gamot doon. Ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas ang punong catauan.

Ang isang bahagui noon ay inihuhulog sa isang cucharang may lamang gatas ó tubig, at ipinaiinom sa bata bago sumoso. Nota. Ang taquip nang sihi ibinababad muna nang malauon sa tubig sa ulan, na arao-arao pinapaltan nang ibang bago; saca binabayong maiguing maigui sa babay-ang bato, at inaag-ag sa sinamay na masinsin.

Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas.

Ang ganitong tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay dito,i, ang purga, at saca ang man~ga parapit. Ang polvos número 25, ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit, masama, sa caniya ang parapit. Ang saquit na binabalingtamad na malauon.