United States or Fiji ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mayroong tauong linalabasan n~g dugo sa ilong na yaon ang pinan~gan~ganlang binabalin~goyn~goy, at cun hindi maraming dugo ang lungmalabas ay mabuting pabayaan; datapoua cun minsan pag talagang tatahanan ang paglabas n~g dugo, ay dinaraanan nang pagcalio ang maysaquit, at ang magaling doon cun gayon, ay ang suca na ipa-aamoy sa caniya; cun minsan naman ang maysaquit ay lungmulubha pa mandin; ang dugo,i, hindi tungmatahan nang paglabas; ang pulso,i, ay tila nan~gin~ginig, namamatay ang color nang muc-ha at labi, at ibig sumuca ang maysaquit.

Cun inaalis ang carayom, ay natitira doon sa tiyan ang pinaca bahay na quinasosootan nang carayom; at palibhasa,i, may butas ang magcabila, ay doon lungmalabas ang tubig parang sa alolod.

Cun malapit nang magsugat ang cancro, ay lalong masaquit; at cun nacapagsugat na ang lumalabas doo,i, totoong baho; ang sugat ay gumagapang at cun minsan mayroong ugat na na-aabot at lungmalabas ang dugo. Ang marahil sibulan noon ay ang man~ga matabang tauo, at ang man~ga dalagang matanda.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang alac, ó cun macacain siya nang man~ga mainit, para nang luya, pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

Caya guinagaua ito,i, nang houag macamatay sa maysaquit ang malaquing pamamaga nang boong catauan niya; saca dahil doon sa paghiuang yao,i, lungmalabas ang pinaca camandag nang man~ga sungmibol na bulutong, na palibhasa,i, hindi pinalalauong pinatatahan sa laman nang tauo, ay hindi lungmalalim ang man~ga hucay nang bulutong, at hindi nasisira ang hichura nang muc-ha; bucod dito ang balat ay lungmulubay; nauauala ang pagcati, at ang pamamantal nang muc-ha,t, liig.

Magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang man~ga pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon man~ga lintog ó butil nang culebra sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. Ang man~ga tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito.

Ang pulso ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na bagay-bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan ang tumbong ay lungmalabas pati.

Sa icatlo ó sa icapat na arao ay lungmalaqui ang lagnat; nasisira sira ang bait nang maysaquit, at linalabasan tuloy ang caniyang catauan nang maraming butil na ang camuc-ha ay butil nang daua; cun minsan ang lungmalabas na man~ga manchang mapula, na anaqui ay culebra.

Cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na man~ga manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang man~ga butil na puno nang tubig, na yao,i, masama. Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao. Masama sa saquit na ito ang man~ga bagay na mainit.

Saca ang tutucoin ay natatamlay at dinaraanan nang init at guinao na halihalili; ang saquit nang ulo ay malaqui, cun matanda ang tauo; cun bata,i, naghihilim; totoong saquit nang lalamunan; namamaga ang bubong nang mata; hindi macatin~gin sa liuanag ang maysaquit; ang mata,i, lungmuluha, at ang lungmalabas ay mahapdi.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap