United States or Albania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.

Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang alac, ó cun macacain siya nang man~ga mainit, para nang luya, pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

Cun hindi nauala ang saquit at hindi nag-iilaguin nang malacas ang may catauan, baga man pinainom na nang man~ga sinabi co n~gayon, ay magaling big-yan nang caunting maná na tutunauin sa malabnao na sabao nang sisiu. Mayroon tauong marahil daanan nitong ganitong cólico, at ang bagay sa caniya ay ang bilin sa número 24, na iinumin niyang maminsan minsan touing bouan.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap