United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang inaiilaguin nang may cataua,i, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao; n~guni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hinin~ga ay mabaho. Cun maliuag macalon-oc ang maysaquit ay mapan~ganib ang caniyang buhay.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang maraming dugo, ang pamamanglao, ang malaquing pagtaba nang may catauan, ang pagsacay na parati sa cabayo, at ang pagliban nang ugaling pananabi, ó cun ang inaiilaguin nang may catauan ay matigas. Ang man~ga babaying buntis ay marahil daanan nitong ganitong saquit.

Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghin~ga ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain; ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo.

Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Ang balat ay linalabasan nang man~ga manchang tila morado, lalo pa sa liig, sa man~ga balicat at sa licod; cun minsan ang mancha ay anaqui pasa, na gaua nang palo. Ang ihi hindi luto, at cun minsan ang color noon, ay maputi. Ang inaiilaguin nang maysaquit ay totoong baho at tila maitim-itim, na ito,i, masamang totoo, cun hindi rin gungmiguinhaua ang maysaquit niyong pag-iilaguing yaon.

Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,i, disentería cun turan nang castila. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; n~guni cun minsan uala naman.

Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.