United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati.

Ungmaalis sa bulalo nang tuhod sa halimbaua, at napaparoon sa paa, at ungmaacyat sa sin~git; ungmaalis dito at napaparoon sa bayauang, ó sa balicat caya ó sa sico, sa batoc ó sagalang-galan~gan nang camay; cun minsan ang maraming casucasuan, cun minsan ang lahat ay sungmasaquit, na totoong cahabaghabag ang lagay nang maysaquit; maghapo,t, magdamag ay tili, at salang hipuin, ay sungmisigao.

Ang saquit na pinan~gan~ganlang taon, ay marahil dumaan sa man~ga lalaqui, sa man~ga babayi; marahil namang dumaan sa man~ga bata pa sa man~ga matatanda na: Ang tauag nang castila sa saquit na ito,i, alferecía. Ang may cataua,i, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo.

Itong sin~gao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang man~ga sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig.