United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghin~ga, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurun~gan siya nang gatas.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang alac, ó cun macacain siya nang man~ga mainit, para nang luya, pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

Cun minsan dinaraanan nitong saquit ang man~ga matamaring cumibo, ang mapanglauin, at ang inuurun~gan nang galis, buni, pauis, ó nang sa panahon cun baga babayi ang maysaquit. Ang man~ga saquit nang sicmura,t, tiyan na doon nauucol ang pinan~gan~ganlang cólico ahito, at ang iba pa .

Mabuti doon naman sa hindi macarin~gig ang gata nang yerbabuena . Ang uica nang iba, ay magaling din ang gata nang ruda. Nota. Cun gayon ay gagamutin para nang turo sa capítulo 23. Ang gamot sa inuurun~gan nang pauis, galis, buni, ó cun nauauala ang talagang bubucol, ó sisibol sa catauan; at hindi tungmutuloy.

Ang sungmusunod sa tacot, ay ang pan~gin~ginig nang catauan at ang pagca balisa nang maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo. Cun minsan nama,i, sinusubaan, at nasisira ang bait. Cun baga ang may catauan inuurun~gan nang dating pauis dahilan sa siya,i, natacot, cun minsa,i, dinaraanan n~g malauong pag-iilaguin.

Ualang maalamang gamot sa gota , ó piyo: at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni Buchan. Caya ang sasabihin co lamang n~gayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurun~gan nang piyo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap