United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghin~ga, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurun~gan siya nang gatas.
Ang boong catauan niya, ó ang ibang man~ga casangcapan lamang nang cataua,i, malacas cuminal; na yao,i, convulsión, cun tauaguin nang castila. Ang maysaquit ay pagulong-gulong sa banig; quinig ang caniyang paa,t, camay pati nang ulo. Ang camay ay quimquim, pinupucpoc niya ang caniya ring dibdib at tiyan, at parati siyang napapahampas sa sahig.
Salita Ng Araw