United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tubig nang man~ga ilog na hindi inaarauan ay masama namang inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga calahating taza carami sa isang tapayan.

Ang gamot sa may bicat ay gayon; ang maysaquit ay pupurgahin macalaua touing bouan n~g bilin sa número 21. Datapoua cun minsan nacacasama ang purga. Papambo siyang parati sa tubig na hindi totoong lamig, at houag doon sa m~ga ilog na may malalim na lunas, na dahil doo,i, hindi inaarauan ang tubig.

Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang alac, ó cun macacain siya nang man~ga mainit, para nang luya, pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

Ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang marami cun gab-i; houag pumambo sa ilog na ang man~ga lunas ay malalim; at ang man~ga ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay malamig, at cun sana sa bun~ga nang cahoy, ay man~ga hilao.