United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Dito sa ganitong saquit ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi naiinitan, at hindi nauuhao; ang saquit nang sicmura ó tiyan, ay gungmagala; datapoua nalilio ang maysaquit, naiibig niyang sumuca, at cun minsan ay namumutla ang muc-ha.

Sa man~ga matatanda,i, ang man~ga bun~ga nang cahoy na luto sa tubig at ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. Datapoua masama roon ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. Mapapainom namang; parati ang maysaquit nang suero número 50 ó nang gatas nang baca na inalsan muna nang pinacataba.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap