United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa man~ga matatanda,i, ang man~ga bun~ga nang cahoy na luto sa tubig at ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. Datapoua masama roon ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. Mapapainom namang; parati ang maysaquit nang suero número 50 ó nang gatas nang baca na inalsan muna nang pinacataba.
Ang gatas nang cabayong babayi iinumin cun mainit pa, na bagong galing sa suso. Ang isang inom ay dalauang taza, na yao,i, gagauing macaipat maghapon, ó macaitlo man lamang. Ang gatas ay doroonan nang ilang sopas na tinapay. Cun ualang gatas nang cabayong babayi na-aari ang sa baca, ó ang sa cambing; datapoua cailan~gang alisin ang pinacataba noon.