United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa icapat ó icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang muc-ha,i, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula, na ang cahalimbaua,i, pinagcagtan nang pulgas. Ang boong muc-ha ay namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. Tungmutuloy ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa man~ga camay, sa hita at sa paa. Ang sa dibdib at ang sa licod ay marami.
Cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na man~ga manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang man~ga butil na puno nang tubig, na yao,i, masama. Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao. Masama sa saquit na ito ang man~ga bagay na mainit.