United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga sungmasaquit ang tiyan, nang mapurga siya, at hindi nag-iilaguin, ay sumpitin nang tubig na mainit-init na pinaglagaan nang culutan. Ang isa pang tandaan nang mangagamot, na hindi sucat tapan~gan pagcaraca ang purga doon sa bagong pinupurgang tauo, sapagca hindi pa na-aalaman ang nacacayanan nang caniyang catauan. Nota. 1.
Cun baga nang mapurga ó mapasuca na ang quinuculebra, ay hindi rin ungmuunti ang lagnat ay painumin touing icalauang oras ó malimit sa rito, nang isang cuchara nang bilin sa número 10.
Ang sampaloc número 47 ay houag palaloin sa timbang dalauang piso, cundi maliuag mapurga ang maysaquit. Ang extracto nang talampunay na bilin sa número 57 ay sucat na ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin siya nang marami rami noon.