United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,i, pinalo nang malacas ó malalim ang quinahulugan, at malaqui ang tagupac, ó malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, ó sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo pagcaraca, ó siya,i, nalauon lauong tila patay, ó linabasan nang dugo sa ilong , ó sa tain~ga, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang maysaquit ay masamang quibui,t, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo, at cun mabig-at ang caniyang ulo, ó siquip ang dibdib, ó cun namamaga ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib ó sa tiyan.
Cun minsan namamaga ang isang labi nang bibig at ang ilong. Itong man~ga bucol na pinan~gan~ganlang bicat, ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon sa quinadoroonan, sapagca cun ugain n~g daliri ay ga sungmusunod. Cun ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda ay malauon bago mauala ang bicat.