United States or Colombia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang man~ga bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailan~gang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahinin~ga lamang, at houag sa mainit.

Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo.

Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit.

Cun malubha na ang maysaquit, hindi ang sin~gao nang tubig, cundi ang sa suca, siya ang sipsipin nang malauong panahon. Magaling ding lag-yan ang maysaquit sa dibdib at sa liig nang bilin sa número 9. Cun ang lagnat ay totoong laqui paiinumin touing oras nang bilin sa número 10, ga isang cuchara carami, na maisasama doon sa datihang ipinaiinòm sa caniya.

Datapoua sapagca sa ganitong saquit ay hindi sumagui cun minsan sa lalamunan ang ipinaiinom, caya cailan~gang sumpitin touing icatlong oras ang maysaquit nang bilin sa número 5; at macaitlo maghapon ibababad ang caniyang man~ga paa sa mainit na tubig ga calahating oras calauon. Saca tapalan ang liig niya nang bilin sa número 9.

Capag napainom na siya nang bilin sa número 34, ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa número 51 sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin sa número 3 lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang bilin sa número 51; saca ilalagay ang may catauan sa husay nang maysaquit na magaling-galing sa capítulo 5.

Ang maysaquit ay paiinuming agad nang bilin sa número 1, na yao,i, magaling pa sa sapang , atsa ibang datihan ipinaiinom nang mangagamot sa ganoong saquit; datapoua cailan~gang lahucan nang salitre, timbang saicapat sa apat na taza. Itong ganitong painom ay itinutuloy hangang sa gumaling ang maysaquit.

Ang damo,i, cungmacalat sa lupa, at ang puno,i, mapulapula. Ang man~ga isusunod co dito n~gayon ay maipupurga rin sa man~ga maysaquit. Ang cañafístula na inaalisan muna nang laman ang bun~ga. Yaong laman niyon ay pinararaan sa sinamay, at ang timbang dalauang piso, ó limang salapi noon, ay ipinaiinom sa maysaquit.

Ang isang bahagui noon ay inihuhulog sa isang cucharang may lamang gatas ó tubig, at ipinaiinom sa bata bago sumoso. Nota. Ang taquip nang sihi ibinababad muna nang malauon sa tubig sa ulan, na arao-arao pinapaltan nang ibang bago; saca binabayong maiguing maigui sa babay-ang bato, at inaag-ag sa sinamay na masinsin.

Ang bata,i, pinaiinom na maminsan minsan nang calahating cuchara noon. Cun ang bata,i, mayroong dalauang taon, ay dinarami damihan ang ipinaiinom doon. Bumayo ca nang timbang cahating albayaldeng casabay nang timbang isang salaping suca, sampon nang tatlong cucharang lan~gis ó lana.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap