United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maraming totoongtauo, ani Tissot, ang guinamot co nang gayon na quinagat nang asong ulol, at hindi sila naano. Caya yaon ang cailan~gang pagpilitang gauin nang tauong ibig masiguro ang caniyang buhay. Caya quinucuscos ang man~ga tabi nang sugat nang ungüento nang mercurio, ay nang lumura ang maysaquit nang man~ga labing limang arao, ó tatlong lingo.

Ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa catauan ay quinacalag; pina-aamoy nang ruda, sambong romero, ó yerba buena; pinalolon-oc nang ilang capatac nang aguardiente, ó alac na linahucan nang caunting tubig . Ang alac sa misa na sinamahan nang azúcar at canela, cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag-yan naman sa sicmura nang isang damit na babad sa alac sa misa na pinaglagaan nang romero, ó sambong, ó sa ibang damong maban~go.

Cun itong saquit ay casama nang ibang cólico, ay ualang sadyang pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang cólico, ang gamot doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap