United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay pigsang daga. Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay carbunco.

Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga n~g bulac na babad sa gata nang niyog. Ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay . Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit.

Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailan~gang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at suca; at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting aguardiente. Saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang puti nang itlog at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.

Cun baga malaquing lubha ang saquit nang casucasuan, ang maysaquit ay cuculubin sa sin~gao nang tubig na mainit na ualang calahoc, at ang casangcapang masaquit ay itatapat sa sin~gao nang tubig. Magaling tapalang parati nang bilin sa número 9.