United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan ang man~ga tabi nang sugat ay totoong tigas na cailan~gang hiuain muna, bago gamutin; datapoua cun hindi matigas ang man~ga tabi nang sugat ay tapalan pagdaca nang bilin sa número 69, at sa ibabao lag-yan nang ilang lienzong babad sa turo sa número 70 na macaitlong papaltan touing arao; at sa número 69 ay macalaua lamang.

Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat.

Ang isang caputol na munti nang lienzong luma ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong munti, na yao,i, ang tinuturang micha; ang micha,i, ibinababad sa pulot poquiotan, ó cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago isoot sa butas nang sibol. Ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua ó tatlong suson.

Dito sa guinaua mong ungüento, ay magbabad ca nang ilang caputol na lienzong luma, at patuyuin mo, na yaon ang itatapal sa may saquit. Nota. Sa saquit na almorranas, capítulo 41, ay bagay naman itong isang pinaca ungüento. Ang pinan~gan~galang ungüento blanco ay gayon ang paggaua: Ang timbang dalauang pisong lan~gis, at ang timbang cahating pagquit na maputi, tutunauin sa apoy.

Saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na lienzong babad sa lana, ó lan~gis na bago nang niyog, bigquisan mo nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa isang arao at isang gab-i.