United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang otdo ay hindi rin nan~gan~gagat sungmosoot lamang sa tayin~ga nang tauo. Caya cun mayroong tauong sinuutan sa tayin~ga, nang otdo, ó antipalo, bumayo ca nang caonting isdang tuyo, ó bagoong, at idoon mo sa tayin~ga, at lalabas ang hayop.

Ang bata,i, pinaiinom na maminsan minsan nang calahating cuchara noon. Cun ang bata,i, mayroong dalauang taon, ay dinarami damihan ang ipinaiinom doon. Bumayo ca nang timbang cahating albayaldeng casabay nang timbang isang salaping suca, sampon nang tatlong cucharang lan~gis ó lana.

Magaling namang sumpitin. Cun baga yaong bilin sa número 8 ay uala, ang gagauin ay gayon: Bumayo ca nang isang lasona ó dalaua caya sa isang babay-ang hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus-an nang mainit na suca, bago salain, at pigain sa sinamay ó lienzo; pagca yari na yao,i, samahan mo nang isang gayon ding pulot, at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga isang cuchara carami touing calahating oras.

Ang pag-gaua nang ungüeento nang hagonoy ay gayon: Bumayo ca nang dahon nang hagonoy, na maminsan minsan papatacan mo nang lan~gis ó lana; saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i, ihuhulog mo roon yaong binayo mong hagonoy, at yari na ang ungüento. Nota, Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailan~gang doonan nang pagquit ang hagonoy.

Itong lan~gis nang cacao siya ang mabuting ilahid sa lugar na napaso, ó nabanlian nang anomang mainit na tubig. Magaling din ang bumayo ca nang uling nang langca, at doonan mo nang lana bago itapal, at mauauala pati pilat.

Nang mamatay ang man~ga ood sa man~ga sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. Totoong galing naman sa man~ga gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan n~g dahon din nang hagunoy na binayo.

Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang bauang at triaca , at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili ó as-is ó tibig , na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap