United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay lahiran nang lan~gis na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang lan~gis hangan sa siya,i, sumuca. Cun ualang buto nang mostaza , ang dahon ay na-aari.

Ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig, magmumumog siya lamang ó iinom nang caunti; magaling din ang alac sa misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. Mabuti rin, ani Buchan, ang pag-inom cun umaga,t, cun gab-i nang isang cucharang bot-o nang mostaza na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang luya.

Ganoon din masama, sa gayong saquit ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala, pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza . Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin.

Sa saquit na pasmo ang totoong galing na gamot, ay ang talbos ó ang dahon isang cahel na ilalaga sa tubig, at itong tubig na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa párrafo 405. Magaling din ang pag-inom na maminsan-minsan nang calahating tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza. Ang saquit na ictericia na iquinapaninilao nang mata nang tauo.

Ang magaling canin niyang parati ay itong man~ga ganito. Ang dalandan, ang dayap, ang tain~gan daga, ang sampaloc, ang coles, na ito,i, totoong buti sa caniya; ang mostaza ay magaling namang gulayin niya. Ang damong pinan~gan~galang paco , cun doonan nang suca, ay totoong buti sa caniya; datapoua hilao cun cacanin.

N~guni ang ugaling gamitin nang man~ga mangagamot dito sa Filipinas, ay ang bot-o nang mostaza na canilang binabayo muna bago samahan nang bauang at asin, sampon nang caunting tinapay. Sa man~ga bata, sapagca manipis ang balat, ay sucat na roon ang lebadurang panis at ang caunting suca. Nota.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap