United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ganoon din masama, sa gayong saquit ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala, pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza . Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin.
Datapoua pagca ang maysaquit ay pinalon-oc nang talampunay, sa loob nang isang lingo, ay itinatahan muna itong gamot na ito, at cun nacalalo ang ualong arao ay itinutuloy para nang dati. Caya guinagaua ito nang houag mamihasa ang sicmura, doon sa gamot na yaon. Ang talampunay hindi nacacaano sa sicmura, at hindi rin nacacaibay; houag lamang n~guyain, cundi boo cun lonoquin.