United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mayroon namang tauo, na caya guinagalis, ay siya,i, nalalinan noon. Ang gamot sa guinagalis ay gayon. Houag pacanin nang man~ga ma-aalat at maasim, pati nang may taba, ó nang man~ga maiinit para nang pimienta, chile, clavo, luya, etc. Painumin arao-arao nang tubig na pinaglagaan nang bilin sa número 26, ga tatlong taza carami maghapon.
Ganoon din masama, sa gayong saquit ang man~ga bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang man~ga laua ó nang man~ga tubig na tahan. Ang pagdurugo nang n~gipin mauauala, pagca n~guyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza . Houag siyang cacain nang man~ga ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin.
Ang saquit na galis na pinan~gan~galang sarna nang castila. Dito sa lupa nang Filipinas ay naquiquilala nang lahat na tauo ang galis. Ang pinangagalin~gan nitong saquit na ito ay ang pagcain nang man~ga cun ano-ano, ang pagcain namang parati nang man~ga ma-aalat, pati nang bun~ga nang cahoy na hindi cahinugan, at ang malibag na damit.