United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang maysaquit ay big-yan nang isa ó dalauang píldoras n~g talampunay na bilin sa número 57, na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig. Sa saquit na anayo, na sinasaysay sa capítulo 62, ang maysaquit ay bibig-yan touing calahating oras nang isang píldoras lamang na malaqui pa sa balatong; at pagca nacalon-oc na nang apat ó limang píldoras, ay itinatahan na.

Saca iinumin niya cun umaga sa dalauang arao ang calahati noon ding bilin sa número 51. Cun minsan ay nalalauo,t, di inaanomana nang maysaquit ang pag-iilaguin, na yaong pagpapabayang yao,i, nacacahina sa caniya. Ang gamot doon cun gayon ay ang bilin sa número 35. Saca touing icatlong arao bibig-yan ang maysaquit nang turo sa número 51. Capag pinurga na siya nang macaapat, ay itinatahan na.

Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin.

Sasangrahan ang maysaquit minsan ó macalaua, ó macaitlo man, hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan; cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit; cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,i, itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra.

Datapoua pagca ang maysaquit ay pinalon-oc nang talampunay, sa loob nang isang lingo, ay itinatahan muna itong gamot na ito, at cun nacalalo ang ualong arao ay itinutuloy para nang dati. Caya guinagaua ito nang houag mamihasa ang sicmura, doon sa gamot na yaon. Ang talampunay hindi nacacaano sa sicmura, at hindi rin nacacaibay; houag lamang n~guyain, cundi boo cun lonoquin.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap