United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Touing icatlo ó icaapat na arao ay pinapahirang uli hangang sa macaapat; at caalamalam pagca yari na ito ay mauauala ang galis; datapoua cun baga ungmuuli ay capupurgahin pa ang guinagalis noon ding bilin sa número 21, bago ituloy ang pagpapahid sa man~ga galis na para nang dati. Ang damit nang maysaquit ay cailan~gang paltang parati nang ibang malinis.
Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin.