United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin.
Masama ring lamasin, ó iriin nang man~ga tauo ang caniyang tiyan, sapagca yao,i, macacamatay sa bata, at ang isa pa,i, ualang paquinabang doon sa gauang yaon. Ang man~ga maiinit na gamot na aquing tinuran sa párrafo 480, na sinundan nito ay masama naman.