United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sasangrahan ang maysaquit minsan ó macalaua, ó macaitlo man, hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan; cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit; cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,i, itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra.

Cun baga may catigasan ang pulso, ó may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang maysaquit. Saca binibig-yan nang bilin sa número 3. Sinusumpit naman ayon sa turo doon din sa capítulo nang lagnat sa buloc ó lagnat nang apdo. Pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso, cundí malambot na, pinaiinom nang bilin sa número 34 at cun ualang mapagquitaan nito, na-aari ang sa número 35.

Sa lupa nang castila, ang maysaquit na sinasangrahan, ay nacucunan nang timbang ualo ó sangpouong pisong dugo sa isang pagsasangra, sapagca ang castila ay marugo. Dito sa Filipinas ang tagalog na hindi lubhang cungmacain nang carneng marami hindi sucat cunan nang gayong caraming dugo. Ang pagsasangra ay hindi maliuag matutuhan nang alin mang tauo, cun naquitang minsan ang paraan.

Ang icalauang bagay na pinaca alulod na dinaraanan nang dugo ay hindi tungmitiboc, at naquiquita nang mata, na yaon ang pinan~gan~ganlang ugat nang tagalog, sa uicang castila,i, venas; na yaon din ang hinihiua nang lanceta, cun ang tauo,i, sinasangrahan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap