United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang dalauang caracot nang bulaclac nang alagao ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na mainit na totoo, at sasalain cun malamig lamig na. Ang timbang pisong balat nan guina babayuhin nang maliit, at gagauing ualong bahagui; ang timbang sa icapat noon ay isang inom. Nota. Sapagca dito sa Filipinas maliliuag at mahal ang quina ay magagamit ang balat nang cahoy na pinan~gan~ganlang dita.

Ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig, magmumumog siya lamang ó iinom nang caunti; magaling din ang alac sa misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. Mabuti rin, ani Buchan, ang pag-inom cun umaga,t, cun gab-i nang isang cucharang bot-o nang mostaza na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang luya.

Ang pag-gaua nang ungüeento nang hagonoy ay gayon: Bumayo ca nang dahon nang hagonoy, na maminsan minsan papatacan mo nang lan~gis ó lana; saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i, ihuhulog mo roon yaong binayo mong hagonoy, at yari na ang ungüento. Nota, Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailan~gang doonan nang pagquit ang hagonoy.

Magagaua namang parapit ang dahon nang zapote prieto, ang ugat nang malungay, ang ugat nang sangdicquit, ang dahon nang apoyapoyan, ang dagta nang havili at ang iba pa. Ang dalauang dacot nang talbos nang ajenjos at ang isa pang gayon nang talbos nang manzanilla,i, ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; saca pinababayaang lumamig bago salain.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap