United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magaling doon sa masaquit, ang pahiran nang pagquit na uinisican nang lan~gis, at nang pinalambot sa apoy, at saca paraanin nang mariin doon sa masaquit ang ilang buhoc nang babayi, na hinahauacan sa dalauang camay, at madadala tuloy nang buhoc ang man~ga balahibo nang tilas. Nota. Gamot sa pinasucan sa tayin~ga nang antipalo, cun otdo

Ang pag-gaua nang pinan~gan~ganlang ungüento amarillo ay gayon: Magtunao ca sa apoy nang sahing na maputi, pagquit na dilao, sebo nang baca, lana at mantica na magcasingdami ang lahat. Pagca tunao na yao,i, hulugan mo nang binayong ugat nang dilao na ang timbang noon ay ang sa icapouong bahagui nang ibang man~ga bagay. Ito,i, turo ni Clain.

Magtunao ca sa cauali nang timbang pisong pagquit; pagcatunao ay hulugan mo nang ilang capatac na lan~gis, at yari na ang ungüento. Ang isang caputol na damit na lienzo,i, ibabad mo dito, at yaon ang itatapal mo sa buni.

Ang ungüento sa buni gagauin mo nang gayon: Magtunao ca sa cauali nang pagquit at sahing, at pagca tunao na,i, hulugan mo nang azufreng binayo. Nota. Magaling din ang sahing na maputi na sinamahan nang pulot. Itong lahat ay turo ni Clain. N~guni ang ungüentong turo ni Tissot ay ito.

Magtunao ca sa isang taza nang caunting pagquit, at isang gayon ding lan~gis na bago nang niyog, at yaon ang ilahid doon. Ang bilin sa número 66 ay mabuti rin. Cun hindi nauauala yaong saquit na yaon, ay purgahin nang caunting maná ó ruibarbo.

Ang pag-gaua nang ungüeento nang hagonoy ay gayon: Bumayo ca nang dahon nang hagonoy, na maminsan minsan papatacan mo nang lan~gis ó lana; saca magtunao ca nang caunting pagquit, at pagca tunao na,i, ihuhulog mo roon yaong binayo mong hagonoy, at yari na ang ungüento. Nota, Cun baga sugat ang tatapalan ay hindi cailan~gang doonan nang pagquit ang hagonoy.

Saca sasalain at lalag-yan mo nang timbang pisong pagquit, bago isaoli mo sa apoy, at pagcatunao na ang pagquit ay huhulugan mong mamaya-maya nang timbang apat na pisong azufreng binayo. Itong ungüentong ito,i, madaling macauala nang galis. Nota 1. Cun ualang azufre, ang iyong gagauin ay itong isa.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap