United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ungüento sa buni gagauin mo nang gayon: Magtunao ca sa cauali nang pagquit at sahing, at pagca tunao na,i, hulugan mo nang azufreng binayo. Nota. Magaling din ang sahing na maputi na sinamahan nang pulot. Itong lahat ay turo ni Clain. N~guni ang ungüentong turo ni Tissot ay ito.
Ang timbang saicapat na ruibarbong binayo. Ang timbang pisong azufreng binayo, ang timbang saicapat na sal amoniaco sampon nang timbang dalauang pisong manticang bago nang baboy babayuhin maiguing maigui sa babay-an ó sa luzong.
Saca sasalain at lalag-yan mo nang timbang pisong pagquit, bago isaoli mo sa apoy, at pagcatunao na ang pagquit ay huhulugan mong mamaya-maya nang timbang apat na pisong azufreng binayo. Itong ungüentong ito,i, madaling macauala nang galis. Nota 1. Cun ualang azufre, ang iyong gagauin ay itong isa.
Salita Ng Araw