United States or Cambodia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya doon sa dalauang tazang tubig nang culutan ilaga mo ang acapulco hangan sa maiga ang isang taza sa mahinang mahinang apoy; saca ihulog ang salitre, at salain. Ang isang caracot na bulaclac nang alagao at ang calahating dacot na yerbabuena ay ihulog mo sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; at pagca malamig lamig na,i, sasalain mo, at sasamahan nang timbang tatlong pisong pulot.
Magagaua namang parapit ang dahon nang zapote prieto, ang ugat nang malungay, ang ugat nang sangdicquit, ang dahon nang apoyapoyan, ang dagta nang havili at ang iba pa. Ang dalauang dacot nang talbos nang ajenjos at ang isa pang gayon nang talbos nang manzanilla,i, ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; saca pinababayaang lumamig bago salain.
Ang timbang dalauang piso nang laman nang bun~ga nang sampaloc ilalahoc sa isang tagayang tubig na cungmuculo pa, at pag malamig lamig na ang tubig, ay sasalain. Cun ualang bun~ga nang sampaloc, ang isang dacot na malaqui nang man~ga dahon nang cahoy na-aari rin, cun lutuin sa dalauang tagayang tubig hangan sa maiga ang calahati.
Salita Ng Araw