United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na pepita sa catbalonga , at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na pepita rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang pepita doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag.

Sa ibabao nang tiyan ay lalag-yang parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na hinulugan nang salitre, timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin. Totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong tinubigan.

Ang baños nang tubig na mainit-init sa paa; at ang bilin sa número 20, ay nacacapagpatulog sa maysaquit. Mabuti rin bigyang maminsan-minsan ang maysaquit nang isang cucharang pulot na hinulugan nang caunting suca, nang lumambot ang pag-uubo; at cun hindi rin ungmuunti ang pag-uubo doonan nang isang tapal na sahing sa pag-itan nang dalauang balicat, ayon sa turo sa párrafo 498.

Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.

Ang man~ga sangol ay malimit daanan nang cólico sa man~ga unang bouan nang canilang buhay. Ang magaling doon ay sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla, na hinulugan nang caunting sabón, ganga bot-o nang pimienta calaqui. Cun minsan masamang sumpitin ang bata; at cun gayon ay na-aari ang man~ga calillang sabón ó pulot.

Sa saquit na pasmo ang totoong galing na gamot, ay ang talbos ó ang dahon isang cahel na ilalaga sa tubig, at itong tubig na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa párrafo 405. Magaling din ang pag-inom na maminsan-minsan nang calahating tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza. Ang saquit na ictericia na iquinapaninilao nang mata nang tauo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap