United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na pepita sa catbalonga , at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na pepita rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang pepita doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag.

Datapoua cun minsan lalong madaling maampat ang dugo, pag hindi tinacpan ang sugat nang anoman; sapagca ang dugong lungmalabas palibhasa,i, tungmitigas ay siyang cusang nagpapaampat sa ibang dugo. Maigui rin ang bahay n~g anlalaua. Cun ventosa ó tandoc ang gagamitin, ay cadlitan muna ang maysaquit, bago tacluban nang ventosa ó tandoc ang lugar na quinadlitan.

Datapoua bago gamutin nang gayon ang maysaquit, cun mayroon siyang dugong marami at mataba, at magaling na totoo ang caniyang catauan, pagca hinugasan na ang sugat nang tubig na may asin, ay cailan~gang sangrahan, ó ipacagat sa anim na linta ang caniyang camay; ó tanducan, ó tacluban nang ventosa, at cunan nang dugó na man~ga apat ó limang piso ang timbang.

Sa lahat na bagay na saquit na balingtamad, ang ceática na sinaysay sa itaas sa párrafo 126, yaon ang totoong lungmalaban sa man~ga gamot. Datapoua magaling lag-yan nang parapit ang masaquit na casangcapan, at lalo pang magaling sa parapit ang tacluban nang pito ó ualong ventosa; at ito,i, paparatihing gagauin.

Maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong malubha na, n~guni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang ventosa roon. Pinapagmumumog naman siya nang bilin sa número 19; at pinasisipsip nang sin~gao nang tubig na mainit na macaanim maghapon.

Saca hihiuain ang sugat; bubunutin ang pana cun nadoroon, at huhugasan ang sugat nang tubig na may asin, at tacluban nang ventosa Mabuti basahin mo ang capítulo 35. Ang gamot sa napaso nang baga ó pólvora, ó sa nabanlian nang anomang mainit.