United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na pepita sa catbalonga , at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na pepita rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang pepita doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag.

Datapoua cun minsan lalong madaling maampat ang dugo, pag hindi tinacpan ang sugat nang anoman; sapagca ang dugong lungmalabas palibhasa,i, tungmitigas ay siyang cusang nagpapaampat sa ibang dugo. Maigui rin ang bahay n~g anlalaua. Cun ventosa ó tandoc ang gagamitin, ay cadlitan muna ang maysaquit, bago tacluban nang ventosa ó tandoc ang lugar na quinadlitan.

Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay lahiran nang lan~gis na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang lan~gis hangan sa siya,i, sumuca. Cun ualang buto nang mostaza , ang dahon ay na-aari.

Cun ualang linta, ay na-aari ang cadlitan muna bago tanducan, ó tacluban nang ventosa, na ito,i, hindi gagauing miminsan lamang, cundi maquiilan. Pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit dahilan sa pagcuha nang dugo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap