United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !
Salamat sa winikang itong nagpapahayag n~g pagkawalang malay sa lihim n~g dalawa, ang maypoot ay nagtimpi at pinilit na tan~gayin n~g isang impit na buntonghinin~ga ang lahat niyang sukal n~g kalooban. Saka bumaling sa nagsalita, at sa masayang mukha'y bumati: Manang magda, naluwas po pala kayo n~gayon.
¡Tumatalikod n~gayon ang bata! ang palabing agaw pa n~g mestisang sa hipag nakatin~gin. ¡Ikinahihiya yata ang "himala" ni pari Casio! ¡Kawawa naman!... Hindi nalalaman n~g dalawang babae na ang m~ga winikang iyan ni Elsa'y balaraw na umiwa sa damdamin ni Tirso. Naalaala ang m~ga balita ni Martinez.