United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang "novelang" yaon ... anang senador Vila ... isang pangcalat n~g aral na laban sa religión católica, pang-akit sa protestantismo, tagapaglaganap n~g aral ni Proudhon, at iba't iba pang gaya nitong pawang hindi catotohanan.
Dumating sa Senado n~g España n~g Junio n~g 1888 ang ligalig dahil sa Noli me Tangere . Ipinagcanulô n~g senador Vila sa canyáng m~ga casamahang, sa Filipinas daw ay may ipinasoc na isang libro na cung tawaguin ay "novela" at ang pamagát ay Noli me Tangere , na kinathâ n~g isang "indio" na canyáng alám ang pan~galan, doctor sa Medicina n~g Universidad sa Madrid, caibigang matalic n~g Principe de Bismarck at sa canyáng dunong ay nahalal na catedrático n~g Medicina sa isang Universidad n~g Alemania.
Sa Congreso naman n~g España ay pinagcaligaligan din ang Noli me Tangere . Nagsalitâ naman doon ang general na si D. Luis M. de Pando, n~g ica 12 n~g Abril n~g 1889, n~g sari-saring paratang sa librong iyón. Datapowa't hindî nababasa n~g senador Vila at n~g general Pando ang Noli me Tangere ; wal